ni Ronnie Carrasco III
NOON pa man sa mga previous live guestings o VTR interview sa isang sikat na aktres, sumasablay sa ratings ang isang programa.
Pero nakapagtataka na kung kailan dapat sumisipa sa ratings ang isang napakahalagang kaganapan sa buhay ng aktres na ‘yon, sad to say, she’s still not able to deliver the desired figures gayong ang labanan sa TV—as we all know—ay viewership.
Naku, ikaw ba naman ang may pito na yatang sponsored events to usher in another chapter in your life, hindi ba mauumay ang mga manonood? Idagdag pa ang hindi rin namang nag-rate na weekly show ng aktres?
And worst of all, ikaw ba naman na may negatibong public image na hindi nadaraan sa kanyang iilan lang naman—at nabawasan pa!—na commercial endorsements?
Hindi magtatagal at tuluyan nang malalaos—on the verge na siya—ang aktres na itago na lang natin sa alyas na Marimar Rivas Danao!