Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

119 kakasuhan sa kartel ng bawang

bawangAABOT sa 119 indibidwal ang kakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagsipa ng presyo ng bawang dahil sa kartel noong nakaraang taon.

Kinilala ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ang isa sa mga kakasuhan na si Clarito Barron, dating direktor ng Bureau of Plant and Industries (BPI).

Partikular na isasampang kaso ang paglabag sa Republic Act 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Article 210 ng Revised Penal Code o direct bri-bery, at Presidential Decree 1829 o Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.

Kakasuhan si Barron dahil sa sinasabing pagtanggap ng P240,000 noong panahon ng kanyang panunungkulan kapalit ng pag-isyu ng apat na import permits kay Lilibeth Valenzuela.

Habang ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 ay may kaugnayan sa pagbibigay ng “undue favor” sa Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines (VIEVA) na pinangungunahan ng isang Lilia M. Cruz alyas Leah Cruz. Nabigyan din ang grupo ng import permit kahit pa hindi kwalipikado ang VIEVA.

Sinabi ni De Lima, bagama’t may shortage sa suplay ng bawang noong nakaraang taon, pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo nito ay ang ginawang pagkontrol ng mga respondent sa supply at pagtatakda ng presyo ng nasa-bing produkto.

Bukod kay Barron, kabilang sa mga kakasuhan sa Ombudsman ng paglabag sa RA 3019 ay sina Merle Bautista Palacpac, officer-in-charge ng Plant Quarantine Service ng BPI; Luben Quijano Marasigan, dating hepe ng Plant Quarantine Service ng BPI; Lilia Matabang Cruz ng kompanyang VIEVA na nakabase sa Santa Rosa, Nueva Ecija; Rochelle Diaz at 113 iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …