Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

US aerial target drone natagpuan sa Quezon (Pinaiimbestigahan ng Palasyo)

FRONTIPINASISIYASAT ng Palasyo sa Department of National Defense (DND) ang natagpuang US aerial target drone sa karagatan ng lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hihintayin na lang ng Malacanang ang isusumiteng ulat ng DND hinggil sa pagbagsak ng US drome na may serial number BQ55079 na nasa pag-iingat na ng Patnanungan Police Station.

Sa opisyal na kalatas na inilabas ng US embassy kahapon ay kinompirma na ang natagpuang “expended BQM-74E Aerial Target” ay inilunsad sa ginanap na naval exercise Valiant Shield 2014 noong nakalipas na Setyembre 15-23 sa karagatan ng Guam.

“The aerial target does not carry weapons and is not used for surveillance. The BQM-74E Aerial Target is used by surface ships and aircraft during exercises to help train our sailors in a realistic environment that provides the best possible training,” sabi sa kalatas.

Sa naturang pagsasanay, lahat anila ng aerial operations ay isinasagawa sa international airspace na may kaukulang koordinasyon at pinayagan sa Guam airspace.

Hindi nagustuhan ng ilang progresibong kongresista ang presensiya ng spy planes ng Amerika dahil tila lumilitaw na pag-aari na ng US ang kalawakang sakop ng Filipinas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may bumagsak na US drone o spy plane dahil noong 2013 ay may na-recover ding ganito sa lalawigan ng Masbate.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …