Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singer actress may rich benefactor, kaya nakakapag-produce ng sariling album

00 vongga chika peterAYAW aminin ng singer-actress na sumikat noong late 80s hanggang 90s na Papa niya ang nakikitang may edad na lagi niyang kasa-kasama ngayon. Nang bisitahin siya ng ilang entertainment press nitong nagdaang Christmas season, at tanungin si aktres tungkol sa lalaking tinutukoy natin na rich, friends lang daw niya ito.

Pero nalaman natin mula sa isang very reliable source na matagal na umanong may lihim na relasyon si nasabing celebrity at non-showbiz guy na super generous sa kanya noon pa. Ang karelasyon raw na ito ang nagbibigay ng pera para makapag-produce ng album ang singer

na active sa paggawa ng teleserye sa malaking TV network. Korek! Nagbago na ang taste ni actress at ayaw na niyang pumatol sa mga ka-edad niya.

Zino siya gyud!

MMFF Top 3 hindi nagbago ang ranking

PRAYBEYT BENJAMIN, FENG SHUI AT MY BIG BOSSING PARE-PAREHONG HUMATAW SA FESTIVAL

As of press time, nakakuha kami ng bagong datos para sa 8 official entries sa Metro Manila Film Festival 2014 na belong sa Top 3 films. Hindi nagbago ang ranking since December 25 ng tatlong malalakas na pelikula na The Amazing Praybeyt Bejamin, Feng Shui at My Big Bossing nina Bossing Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon at pumapang-apat na ngayon ang pinag-uusapang pelikula sa festival na English Only Please na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na as of January 5 ay umabot na sa P100 million ang kita sa takilya.

Narito ang exact figures ng box office returns ng Praybeyt Benjamin 2 nina Vice Ganda, Bimby, Richard Yap at Alex Gonzaga na humamig na ng P365 million in just 10 days, ganoon din ang Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin na nag-gross naman ng P200.8 million sa loob ng sampung araw at almost P200 million naman ang kita ng My Big Bossing, na kung hindi lang naging limitado ang sinehan ay siguradong mas malaki pa ang naging outcome. Nasa No. 5 spot ngayon ang Kubot: The Aswang Chronicles ng bagong kasal na si Dingdong Dantes, No.6 Shake Rattle and Roll XV at nasa pangpito at pangwalong puwesto naman ang Bonifacio ni Robin Padilla at Magnum Muslim .357 ni former Laguna Gov. ER Ejercito.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …