PNoy dapat tutukan ang 4Ps ng DSWD
hataw tabloid
January 7, 2015
Opinion
PANAHON na siguro para tingnan at busisiin din ni PNoy ang DSWD na pinamumunuan ni Dinky Soliman.
Hindi kasi maganda ang findings ng COA na malinaw na maraming palsong nagawa ng natu-rang ahensiya lalo na sa implementasyon ng 4PS o CCT dahil sumablay daw ibigay sa mga tunay na nangangailangan ang tulong ng pamahalaan.
Malinaw kasi sa 2013 financial report ng DSWD na ini-audit ng COA, marami sa beneficiary ang double entry o doble-doble ang mga pangalan at marami rin sa mga beneficiary sa bawat rehiyon ang hindi nakatatanggap ng biyaya mula sa balwarte ni Soliman.
Nakita rin ng COA na hindi nakumpleto ng DSWD ang housing project sa mga biktima ng bagyo noong 2011 na nagkakahalaga ng P2.57 bilyon.
Datos ang nagsasalita sa findings ng COA at dahil dito marapat lamang na balewalain muna ni PNoy ang pagi-ging magkaibigan at malakas sa kanya ni Aling Dinky dahil posibleng isa ito sa magpabagsak sa kanyang matinong pangalan.
May panahon pa para tutukan ni PNoy ang DSWD lalo na si Dinky dahil alam din naman niya na hindi pekpekto ang pagpapalakad ng babaeng paiba-iba ang kulay ng buhok na mukhang adik din sa publicity.
***
Time to go na kay Director Franklin Bucayu ng NBP.
Sobra kasi ang kahihiyang ibinigay niya sa NBP at maging sa DOJ na pinamumunuan pa naman ng magaling na kalihim na si Leila de Lima.
Matindi ang epekto ng kahihiyang inabot ng NBP sa imahe ng buong bansa kaya’t sana ay mag-resign na lamang si Bucayu para sa delicadeza.
Hindi agad makababawi sa bulok na imahe ang NBP na itinatak ng grupo ni Bucayu pero sa kanyang pagbibitiw ay maiibsan kahit paano ang masamang imahe para maiangat ito.
Alvin Feliciano