Monday , December 23 2024

Pacman naghihintay kay Mayweather (Lagda sa kontrata ang kailangan)  

ni Tracy Cabrera

010715 floyd pacman

AYON sa Pambansang kamao, Manny Pacquiao, lagda na lang ni Floyd Mayweather Jr. ang kanyang hinihintay para matuloy na ang paghaharap nila ng wala pang talong Amerikanong boksingero sa Mayo 2 ngayong taon.

Ilang araw makalipas kompirmahin sa Ring magazine ni Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, na may negosasyon na sa tinaguriang mega-fight, nag-post sa kanyang Instagram account ang eight-division at kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion na ang desisyon ay nasa kampo na ni Maywaeather kung itutuloy o hindi.

“The ball is on Mayweather’s court,” post ni Pacman.

“Floyd brags about his lifestyle and everything! I don’t care! I’m just waiting here for him to sign the contract! #fightpacquiao,” dagdag ng People’s Champ.

Sa nakalipas na mga araw ay naging tahimik sa sina-sabing negosasyon sa pagitan ng mga kampo ng dalawang kampeon. Dati’y nag-usap na ang dalawang kampo ng mga detalye sa kontrata, kabilang ang itatakdang purse, o premyo, para sa laban, at maging ang mga drug testing protocol.

Pero sa ngayon ay walang inilalabas na bagong detalye ukol sa negosasyong isinasagawa.

Matapos talunin si Chris Algieri sa pamamagitan ng malawak na unanimous decision nitong nakaraang Nob-yembre lang, agad hinamon ni Pacquiao si Mayweather, at tinugon naman ito ng Amerikano makalipas ang ilang linggo para imungkahi ang Mayo 2 bilang petsa ng kanilang sagupaan.

May mga balita rin na mas pinapaboran ni Mayweather ang rematch kontra kay Miguel Cotto imbes labanan si Pacquiao pero itinanggi ito ng boksingero mula sa Puerto Rico na nagsabing wala silang natanggap na offer mula sa kampo ng Mayweather.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *