Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NLEX, inililinya na sa KathNiel, JaDine, at KimXi

ni Roldan Castro

010715 nash alexa nlex

HINDI iniwanan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ang youth oriented show tuwing Linggo na Luv U ng ABS-CBN 2 kahit tumatamasa na sila ng tagumpay sa kanilang serye na Bagito.

Sa Luv U nga naman nagsimula ang tandem nila at ayaw nilang masabihan na inggrato at walang utang na loob sa ABS-CBN comedy unit.

Hindi na maawat ang NLEX loveteam at aminado naman sila na crush nila ang isa’t isa. Inile-level na rin sila sa Kathniel, JaDine, at KimXi.

“Nakatutuwa po pero hindi po talaga namin in-expect na ganoon. In-expect lang namin na magiging loveteam kami, na gagawa kami ng project pero sobrang nakakakaba and nakatutuwa na nalilinya kami sa kanila,” pahayag ni Nash.

Sey naman ni Alexa, medyo nakakadagdag din ng pressure, “pero we always try naman our best na maging magaling sa mga ginagawa namin pero siyempre, minsan nako-compare or sinasabihan na ‘linya kayo riyan so dapat galingan n’yo rin’ so, medyo nakadaragdag ng pressure pero ginagawa lang namin talaga ang lahat ng makakaya namin to make it look good.”

Noong Pasko Iphone case raw ang regalo ni Alexa kay Nash at ang bagets actor naman ay dalawang pillow ang ibinigay sa katambal.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …