Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, mas aggressive na raw ngayong 2015!

ni Roldan Castro

010715 meg imperial

“2 015 please be my best year,” post ni Meg Imperial sa kanyang Facebook Account na siya ngayon ang bagong Calendar Girl ng White Castle Whisky.

Sexy ang pictorial niya sa nasabing calendar at tiyak pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.

Kahit sa bagong movie ni Meg na Ex With Benefits with Sam Milby at Coleen Garcia ay slight siyang nagpa-sexy. Aggressive raw siya roon.

Pinanindigan na rin ni Meg ang mag-drive sa sasakyan niya ngayong 2015.

Biniro namin na nilayasan siya ng driver niya dahil ginugutom niya.

“Hindi ah, Grabeeh,” tumatawa niyang pagtanggi.

“Wala na kasi akong pambayad sa driver kaya ako na ang nagda-drive,” pagbibiro niya.

“Hindi, parang natuto akong mag-drive sa ‘Moon of Desire’. After ‘MOD’, hindi ako nakapag-drive kasi parang may takot ako sa pagda-drive. Then one day, right after pagkagaling ko sa Qatar, nag-decide ako na parang siguro kailangan ko na ring matutong mag-drive na rin,” paliwanag niya.

Baka gusto na niyang takasan si Mommy para makapag-date?

“Mukha bang natatakasan ko?Palagi ngang nakasabit, ha! ha! ha!,” humahalakhak pa niyang pahayag.

So, wala na siyang takot ngayon na mag-drive?

“Nag-i-enjoy na ako pero may takot pa rin ako sa mga motor, jeep, mga taxi. Parang ang bilis-bilis nila,” sey pa niya.

Kung mag-road trip, saan ang gusto niyang mag-drive na malayong-malayo?

“Gusto ko sa Bicol pero dapat may kasalitan. Parang nabitin ako noong last na punta ko roon. May friends na nag-invite ng dinner pero late nang natapos ang commitment ko kaya hindi na kami nakapag-bonding,” sey pa niya.

Ngayong 2015, wish din ni Meg na makasama sa project sina Coco Martin , John Lloyd Cruz, at Angel Locsin.

“Idol ko talaga si Coco pagdating sa craft niya,” bulalas ng aktres.

Posible bang magkagusto sa bagets si Meg gaya nina Daniel Padilla, James Reid?

“Si Daniel bata pa. Sina James ka- edaran ko lang ‘yan,” tugon niya.

So, type niya ‘yung mga ganoong edad ni James?

“Okey naman pero siguro mas malapit lang talaga ako sa matured sa akin. Parang mas gusto ko ‘yung ahead of me ng kaunti para mas matured ‘yung utak. At early age kasi parang nag-matured na ‘yung pananaw ko, ‘yung isip ko kaya mas gusto ko ‘yung older sa akin para ma-advance pa ako, mas marami pa akong matutuhan,” deklara pa niya.

Nakikita ba niya ang sarili niya ngayong 2015 na may wedding proposal?

“Sino naman ang magpo-propose? Wala ngang lovelife, eh. Wala pa sa ano ko ‘yan. Parang malayo pa. Ano pa ‘yan mga late 20’s pa ‘yan siguro. Marami pa akong gustong gawin ngayon. Huwag muna. Ang dami ko pang gustong patunayan. Dagdag lang ‘yan sa ano..stress.Ang dami ko nang pressure, eh.Sakit sa ulo ‘yan,” sambit pa niya.

Talbog!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …