Isang mapagpalang bagong taon sa inyong lahat mga klasmeyts, narito’t balik na muli ako galing sa pagbakasyon sa ilang kamag-anak sa Bikol. Magkagayon pa man ay nakakasingit din na makapanood ng ilang replay na takbuhan sa grupo ng mga karerista sa facebook, kaya updated pa rin.
Ang aking mga nasilip na kayang makasungkit pa ng premyo sa kanilang grupo na kinalalagyan ay sina Touch Of Glory na mababa sa grupo, Real Lady na naglaro sa huling dalawang panalong naitala niya. si Extra Ordinary na nasa hustong kundisyon rin kaya nakasilat agad ng panalo kahit pa galing sa bakasyon.
Hindi rin pahuhuli diyan si Surplus King na mainam ang tinapos na tiyempong 1:28.2 (13’-24’-24’-25’) para sa 1,400 meters na distansiya sa SLLP. Si Mr. Tatler na nagsunod-sunod na ang panalo. At higit sa lahat, ang naging contender sa nagdaang Triple Crown na si Low Profile na nakapagtala ng impresibong oras na 1:25.8 (13-24-24-24’) sa distansiyang 1,400 meters sa SLLP, kaya sa tinapos niyang iyan ay tila naghahamon siya ng laban sa mga 4YO na ka-batch niya.
ni Fred L. Magno