Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibinulong ni Erap kay Jen, palaisipan

ni Ronnie Carrasco III

010715 erap jennylyn

TINOTOO ni Lolit Solis ang ‘di niya pagsipot sa reception ng kasal ni Dingdong Dantes at ng bride nito noong December 30 last year. ‘Nay Lolit stood as one of the principal sponsors.

Not for anything, but ‘Nay Lolit is not a nocturnal person. Ang pagpitada ng alas sais ng gabi ay katumbas na ng hatinggabi sa kanya, even showbiz presscons or social gatherings scheduled at 6:00 or 7:00 p.m. ay iniisnab niya.

Sa halip, ‘Nay Lolit—after attending the wedding rites—chose to go to the PNP Custodial Center na nakapiit ang dalawang kaibigang mambabatas, sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Paliwanag ng manager cum TV host, “Nakita ko kasi si PNoy sa kasal, naramdaman ko tuloy ang injustice kina Bong at Jinggoy…injustice daw, o!”

Pero nakuha ring intrigahin ni ‘Nay Lolit si Jinggoy, base sa inasal ng ama nitong si Manila City Mayor Erap Estrada noong Gabi ng Parangal. It was Erap who handed the Festival Best Actress trophy to Jennylyn Mercado, requesting a peck on his cheek.

“Oy, Jinggoy, ano ba ‘yung ibinubulong-bulong ng tatay mo kay Jennylyn? Type ba niya si Jennylyn?” tanong ni ‘Nay Lolit. Ang totoo pala—ayon na rin sa ikinuwento ni ‘Nay Lolit sa Startalk sa January 3 episode nito—dalawang araw na pa lang nasa sa isip ni Erap ang aktres.

Now, it was ‘Nay Lolit’s turn to ask Jennylyn—nang mag-guest ito sa Startalk—kung ang tipo ba niyang boyfriend approximates Erap, to which ang ganting-tanong din ng aktres ay, “Ilang taon na po ba siya?”

Si Erap, may pag-asa kay Jen?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …