Friday , November 15 2024

Human shield sa seguridad ng Santo Papa — Palasyo

111714 POPE MANILAMAAASAHAN ang kakaibang seguridad na ipatutupad kay Pope Francis lalo pa’t hindi siya gagamit ng Pope mobile.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bukod kay Pope Francis, babantayan din ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga mamamayang dadalo sa event.

Ayon kay Lacierda, ‘human shield’ ang pangunahing proteksyong ibibigay ng PSG at mga security personnel para sa Santo Papa.

Magugunitang bukod sa hindi gagamit ng Pope mobile na bullet proof sana, inaasahan din ang pagbaba o paglabas ng Santo Papa sa sasakyan para makihalubilo sa mga tao.

Kaya puspusan aniya ang koordinasyon ng gobyerno sa Simbahang Katoliko para matiyak ang seguridad ng Santo Papa mula pagdating hanggang pag-alis sa bansa.

“Nasabi na po ni Pangulong Aquino kung anong klaseng security ang ibibigay kay (Pope Francis). Siyempre concern din natin na wala siyang Pope mobile. Pero nasabi na rin ni Presidente twice the number of PSG that secures him. So masusing pinag-aaralan…The Papal visit is being…We are doing everything we can to secure the…Two things: We are doing everything humanly possible to secure the safety of the Pope and to ensure the safety also of the crowd. Because it’s not just the Pope that we’re concern with the safety, it’s also the crowd itself. And we hope that the crowd will be able to…” ani Lacierda.

12,000 sundalo magbabantay kay Pope Francis

AABOT ng 6,000 hanggang 7,000 sundalo at 5,000 Armed Forces of the Philippines (AFP) reservists at pulis ang magbabantay kay Pope Francis sa pagdating niya sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr., bagama’t wala pa silang namo-monitor na banta, malaking hamon sa pulisya at militar ang dagsa ng mga deboto na magnanais makalapit sa Santo Papa.

Itinuturing ng AFP ang Papal visit na gaganapin mula Enero 15 hanggang 19, bilang pinakamalaking security challenge ng mga awtoridad sa bansa.

Habang umaapela ang AFP sa mga deboto na huwag nang tangkain pang lapitan o hawakan si Pope Francis.

Sa limang araw na pagbisita ni Pope Fancis, kabilang sa mga lugar na sasadyain niya ang Maynila, Pasay, Tacloban City at Palo, Leyte.

PSG todo-bantay kay Pope Francis (Sa courtesy call kay PNoy)

KASING-HIGPIT ang seguridad sa Palasyo sa pagdalaw sa Filipinas ni US President Barack Obama noong Abril 2014, sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15 hanggang 19.

Ipinaskil na ng Presidential Security Group (PSG) sa tatlong gate sa Malacanang Complex na hindi papayagan ang pagpasok ng mga sasakyan sa Enero 16, ang araw ng courtesy call ni Pope Francis kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nabatid na doble ng bilang ng mga miyembro ng PSG na nakatalaga kay Pangulong Aquino ang magbabantay sa Santo Papa, lalo na’t hindi bullet-proof ang gagamitin niyang sasakyan habang nasa bansa.

Si Pangulong Aquino, kasama ang kanyang gabinete ay dadalo sa misa ng Santo Papa sa Luneta Grandstand sa Enero 16 na inaasahang dadagsain ng milyon-milyong katao mula sa iba’t ibang panig ng Filipinas.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *