Monday , December 23 2024

Reklamo ng bayang karerista; Ang pamunuan ng PHILRACOM

00 dead heat

Lubos na nagpapasalamat ang tatlong karerahan dito sa ating bansa sa Bayang Karerista na walang sawang tumataya tuwing may karera. Ang tatlong karerahan ay ang Manila Jockey Club, Santa Ana Club at ang Manila Metro Turf Club.

Pagpasok ng 2015 buwan ng Enero ay mayroon agad tayong natanggap na puna o reklamo sa mga mananaya noong nakaraang karera sa karerahan ng Manila Metro Turf Club, Malvar, Batangas.

Sa Race 10 araw ng Sabado. Enero 3, 2015 ay biglang na-scratch ang outstanding favorite na couple entry na Show Must Go On at Ultimate Paris sa dahilang ayaw ito sakyan ng hinete sa hindi malamang dahilan.

Nang inspeksyunin ng veterinarian ng club ang kabayong Show Must Go On na sasakyan sana ni class A jockey M.A. Alvarez ay nakitaan ito ng pilay at pati ang couple entry nito ay scratch din.

Ang reklamo ng mga mananaya ay bakit madalas nangyayari ito sa mga outstanding favorite sa betting?

Hindi nagugustuhan ng mga mananaya ang ganitong nangyayari dahil kung na-scratch ang parating nilang outstanding malamang hindi sila tatama dahil ilalagay ang bet ng outstanding favorite sa malallamadong kabayo sa DOUBLE na minsan o madalas walang panalo.

Sa pumunuan ng Games and Amusement Board (GAB) may mungkahi ang Bayang Karersita na kung MAAARI lang daw na baguhin ninyo ang ganitong sistema sa mga naii-scratch na mga kabayo sa betting.

ANO PO ANG MASASABI NG GAMES AND AMUSEMENTSBOARD (GAB) TUNGKOL DITO?

oOo

Masuwerte ang pagpasok ng taong 2015 sa kuwadra ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Jr.

Ang kabayo niyang Hagdang “People’s Champ” Bato ang nagdadala ng suwerte sa kanyang kuwadra dahil lahat ng kasama nito sa kuwadra ay puro panalo sa mga sinalihang race.

Mabait at talagang madaling lapitan ng mga taong nangangailangan ng tulong si Mayor Abalos.

Kaya nang pasukin ni Mayor Abalos ang Horse Racing Industry dito sa ating bansa ay binayayaan ng magagaling ng kabayo.

MABUHAY PO KAYO MAYOR BENHUR ABALOS,JR!

oOo

Welcome back jockey Jesse B. Guce. May ilang buwan din hindi nakita ng Bayang Karersita si Jesse sa tatlong karerahan dahil sa tinamo niyang pinsala sa katawan.

Nang ipinanalo niya ang kabayong Pugad Lawin noong Linggo, Enero 4, 2015 sa karerahan ng Manila Metro Turf ay nakita na muli ang husay ni jockey Jesse Guce sa ibabaw ng kabayo.

Nirendahan niya si Pugad Lawin na nanalo na para lang namamasyal sa park.

oOo

Isang Racing Club Announcer ang hinahangahan ng Bayang Karerista sa husay ng kanyang pagtawag ng karera.

Nakilala ko ang announcer na ito sa isang OTB sa Malate, Manila nang ipakilala siya sa aking ng kaibigan na may-ari ng OTB.

Malaki ang ipinagbago ng club announcer na ito dahil hindi lang siya ngayon isang club announcer kasama na siya sa mga nagbibigay ng mga TIPS sa dalawang karerahan.

Makikilala ninyo Bayang Karerista ang club announcer na sinasabi ko. Malalaman din ninyo kung paano siya naging isang mahusay ng club announcer.

KILALA NA BA NINYO SIYA?

oOo

Sa pumunuan ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni Chairman Angel Castano, Jr at Commissioner Jesus Cantos, saludo po ang Bayang Karerista sa inyo.

Bago matapos ang taong 2014 ay marami po kayong natulungan na mga institution o mga samahan na nangangailangan ng tulong ng Philracom.

Sana po ituloy-tuloy at walang sawa ang pagtulong ng Philracom sa taong 2015 na para makita na may totoong “Daang Matuwid.”

MABUHAY PO KAYO!

 

 

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *