Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, pinalitan si Xian sa Bridges (Dahil sa mga ‘di kinayang eksena ng aktor)

010615 Paulo Avelino xian lim

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG si Paulo Avelino na ang kapalit ni Xian Lim sa Bridges.

Base sa tsika sa amin ng taga-ABS-CBN ay nag-uusap daw sina Ms Malou Santos at Dreamscape unit head, Deo T. Endrinal tungkol kay Paulo kasi nga may kasunod palang project ang aktor pagkatapos ng Exchange Gift episode nila ni KC Concepcion na nag-umpisang mapanood kahapon bago mag-Showtime.

Matatandaang kay John Lloyd Cruz unang inialok ang papel bago napunta kay Xian na bandang huli ay umatras na ang aktor dahil hindi na raw nito kinaya ang mabibigat na eksena.

Nahiya na raw si Xian sa mga kasama niya sa serye dahil nga nagiging cause of delay daw siya sa tapings sa kauulit-ulit ng mga eksena. ‘Di ba nga may tsikang inaabot daw ng 32 takes na itinanggi naman din ng kampo ng aktor.

Ang kaso, maraming nagpapatunay nito na taga-production bukod pa sa naikuwento rin ito ng ilang cast na kasama sa Bridges sa ibang kaibigang artista na naikuwento naman sa mga kaibigan nilang reporters.

Hayun, nagpasalin-salin na ang kuwento kaya kumalat ang tsikang umatras si Xian.

Pagtatanggol naman ng KimXi fans ay, “hindi po siya umatras, pinul-out siya kasi may project sila ni Kim (Chiu), gagawa po sila ng soap.”

At in fairness, totoo nga na may project ang dalawa base sa sabi sa amin ng taga-ABS-CBN, “may next movie pa nga sanang gagawin sina Xian at Kim, naka-hold lang dahil gagawa sila ng soap.”

Ano ba ang kuwento ng Bridges na ‘yan at nahirapan si Xian sa mga eksena?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …