Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pan-Buhay: Bagong Taon, bagong pag-iisip

00 pan-buhay

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugod-lugod, at ganap na kalooban niya.” Roma 12:2

Karaniwan na sa atin, kapag sumasapit ang Bagong Taon, ay gumagawa tayo ng New Year’s Resolutions. Marahil, marami rin sa atin ang paulit-ulit na lang ang inililistang gagawin o babaguhin sa sarili dahil hindi naman natin natupad ang mga ito noong nakaraang taon. Sa umpisa lang marahil natin nagagawa ang mga ito at di kalaunan, balik tayo sa dating gawi. Bakit kaya marami sa atin ang hirap na baguhin ang sarili?

Kung ating susuriin ang Salita ng Diyos, isang malaking katotohanan ang ibinubunyag sa atin tungkol sa pagbabago ng ating sarili. Kung gusto nating baguhin ang sarili, ang una nating dapat baguhin ay ang ating pag-iisip. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Bakit? Marami sa ating pag-iisip ay mula pa sa ating pagkabata at matagal nang nakatanim sa ating diwa. Ito ay hindi basta-basta mababago at kakailanganin ng isang mahabang proseso para sa marami sa atin.

Bagama’t mahirap, kakayanin nating baguhin ang ating sarili kung mauunawaan natin at isasabuhay ang mga sumusunod: 1) Hindi natin kakayaning mag-isa ang magbago ng ating pag-iisip. Ang Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu Santo, ang siyang tanging makagagawa nito. Unahin nating humingi ng kanyang tulong sa lahat ng bagay; 2) Kinakailangan nating unahin ang kalooban ng Diyos imbis na ang kagustuhan natin. Malalaman natin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Salita kaya’t ito’y dapat nating basahin, unawain at sundin; 3) Ugaliin nating magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap. Sa oras ng pagsubok o paghihirap, bilangin at pasalamatan ang mga biyayang patuloy pa ring ipinagkakaloob sa atin. Ito ay tutulong upang maging positibo tayo sa ating pag-iisip sa halip na maging negatibo sa buhay.

Baguhin ang pag-iisip at matatagpuan mo ang liwanag at ligaya ng buhay na kaloob ng Panginoon.. Isang Pinagpala at Manigong Bagong Taon!

 

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …