Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oh My Papa (Part 18)

00 papa logo

HINDI NAKIUSO SI TATAY SA KANYANG MGA DATING KASAMA NA PUMASOK SA GOBYERNO

Nagbigay ‘yun ng huwad na pag-asa sa mamamayan… At ang naglalagablab pang hangarin ng mga uring api upang makamit ang pambansang kalayaan ay tila apoy na binuhusan ng tubig,” aniya na parang paglilinaw sa nat-sit (national situation) kay Nanay Donata at sa asawa kong si Nancy.

May pagtingin din ang tatay ko na malaki ang naging papel ng Kano sa naganap na tatlong araw na pag-aaklas sa Edsa, bagama’t “totoong kahayagan iyon ng tunay na damdamin ng taumbayan na handang magbuwis ng buhay matuldukan lamang ang rehimeng-Marcos.”

Hindi iilan sa mga kasamahan ni Tatay Armando sa kilusan ang naglutangan sa sosyedad bilang mga pribadong indibiduwal na lang. Namuhay sila nang naaayon sa kanilang angking kakayahan at kakanyahan. Ang doktor ay nanggamot, ang tapos ng abogasya at pasado sa BAR exam ay nag-abogado, ang titser ay nagturo, ang magbubukid ay nagbalik sa lupang saka-han, ang manggagawa ay sa pabrika… At ang iba pa na kakilala ng tatay ko na mga dating boss-tsip ay nagsihawak ng mga sensetibong posisyon noon sa pakikibaka ay ‘di nag-atubiling manilbihan sa admi-nistrasyon ni Pangulong Cory.

Nasabi ko tuloy sa aking sarili: “Sa talas at lawak ng utak ni Itay, kung magagawa lang niyang lumapit sa mga dating kakolektib na napapuwesto sa gobyerno ay tiyak na ‘di siya matatanggihan…At ‘pag naroon na rin siya sa gobyerno, siguro naman, e makatitikim na si Inay ng kaginhawahan.”

Hindi gayong kaliteral ang mga pa-ngungusap na binitiwan ko sa kanya. Pero nabasa yata ng tatay ko ang totoong laman ng aking isipan. Aniya: ”Walang baboy sa kural ang hindi naputikan. Sa gobyerno ay tiyak na lalamunin ka ng sistema… Kundi ay kusa ka nang lalayas o pagtitiisan mo na lang ang kabulukan do’n.”

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …