Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Music video ni Daniel na Pangako Sa ‘Yo, ramdam ang kakaibang emosyon

ni Ambet Nabus

112714 Kathniel

MALAKAS ding maka-positive vibes ang music video ni Daniel Padilla na Pangako Sa ‘Yo.

Ibang-iba ang hagod ng kanta ni Daniel at ramdam mo rito ang kakaibang emosyon na mukhang may pinaghuhugutan na talaga hahaha!

Kompara sa mga previous song niya, mas lumabas na ang ganda ng boses ni Daniel at hindi kami magugulat kung very soon ay papalo ito nang husto sa sales kapag nai-release na commercially.

Napakagandang paghahanda para sa kanilang pagbabalik-soap ni Kathryn Bernardo na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN, na tiyak naming papalo ng bongga ngayong 2015!

ASAP, practice ground ni Charice

NAGSILBING practice-ground ni Charice ang ASAP noong Linggo dahil ilang beses din siyang napakinggang kumanta. May number pa sila ni Arnel Pineda, isa sa mga kababayan nating sumikat din internationally, pero mukhang sa naturang show na lang din napapanood.

Galing na galing kami sa kalibre ng boses ni Charice at nakapanghihinayang talaga kung dito lang siya sa atin sisiksik at mananatili lalo pa’t may name na rin siya abroad.

Well, sabihin na nating nakapanghihinayang man, pero marami rin ang naniwala na malaking tulong sa karir ng mga ito ang naturang exposure sa ASAP.

Sey nga ng mga nagtataray, “at least sa naturang show ay mas may opportunity sila to be watched globally. Kahit paano, may konek pa rin.”

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …