Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Maganda At Seksi Kasi…

00 kuwento

Nakatabi ni Josh sa pangdalawahang upuan ng ordinaryong bus ang isang coed. Nilipad-lipad ng hangin ang mahabang buhok nito. Sumagi-sagi iyon sa kanyang mukha.

“Miss, ‘yang buhok mo…” ang paninita niya sa estudyante.

Gayong kasuplado si Josh sa pagbibinata pagdating sa mga kababaihan kapag ‘di pasado sa kanya ang itsura. Pero ‘pag maganda ay napaka-gentleman niya.

“Miss, gusto mong isara natin ‘yang bintana (ng bus) para ‘di magulo ang buhok mo?” ngiti niya sa chikababes.

“Sige, please…” ang ganting ngiti nito sa kanya.

Isang umaga, sakay ng kabibili-bili lang na mountain bike ay nag-ikot-ikot si Josh sa parke ng kanilang barangay. Tumigil siya sa karamihan ng mga kabataang babae na nagpapalipas-oras doon. Ipinagyabang niya ang ilan sa mga daring stunts sa pagba-bike.

Buong giliw siyang pinalakpakan ng isang maganda at seksing chikabaes.

“Ang galing-galing mo…” anito nang lapitan siya.

“Thanks, Sexy…” pagliliyad-dibdib niya.

“Kaya ko rin ‘yung mga ginawa mo ka-nina, pogi,” pagpapakita ni Sexy ng mapuputing ngipin sa pagngiti.

“Ow, talaga? Sige nga…”

Gamit ang bike ni Josh, tila nakipag-showdown sa kanya si Sexy sa pagpapakita ng mga daring stunts sa pagba-bike.

Humanga siya sa husay at lakas ng loob ni Sexy.

“Teka, pogi… ilang minuto ang naku-kunsumo mo sa isang paspas na pag-ikot sa parkeng ito?” tanong ni Sexy sa kanya.

“Tatlong minuto lang…” pagmamalaki niya.

“Sa akin, baka wala pang dalawang minuto, e…” agap ni Sexy.

Malakas na napa-”ow?!” si Pogi.

“’Pag nabigo akong ma-break ang record mo, may premyo kang kiss sa akin…” ang tawa ni Sexy. Kung saka-sakali ay makahahalik nang libre si Josh sa malalambot na labi ng chi-kababes. Napa-oo agad siya ni Sexy. Sinakyan nito ang kanyang mountain bike. At saka ito pumaspas ng padyak sa pedal niyon.

Inorasan niya si Sexy. Hindi ito nakabalik sa loob ng dalawang minuto. Lumampas ang tatlong minuto ay wala pa rin. Lumipas pa ang ilang minuto… Naging isang oras… dalawang oras… tatlong oras…

Napanganga si Josh. Maliwanag pa sa sikat ng araw na itinakbo ni Sexy ang kanyang mountain bike.

Ni REY ATALIA

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …