ni Tracy Cabrera
PINUKOL na si Floyd Mayweather Jr., ng bansag na ‘duwag’ sa paniniwalang ayaw labanan ng Amerikanong kampeon si Manny Pacquiao.
Pero sa isang panayam kamakailan, inihayag ni Mayweather kay Ben Thompson ng FightHype na balewala sa kanyang tawagin siyang isang duwag.
“I laugh about it because I say, you know, I don’t mind being a rich coward,” pinunto nang wala pang talo at current World Boxing Council (WBC) welterweight champion.
Makaraang matagum-pay na idepensa ang kanyang World Boxing Organization welterweight title kontra kay Chris Algieri, agad na nanawagan ang People’s Champ para hamunin si Mayweather. Tinugon naman ito ni Floyd na handa siyang makaharap si Pacman sa Mayo 2 ngayong taon.
Sa panayam din ay mu-ling nangantyaw si Mayweather kay Pacquiao sa pagbanggit ng ‘financial situation’ ng Congressman ng Sarangani, na umano’y si-yang nagbubunsod sa Pambansang Kamao na pagpursigihang matuloy ang kanilang sagupaan.
“We all know he has financial problems. He has problems with those capital letters, which is the IRS. It’s crazy that people has been misled,” aniya.
Bilang patunay, pinuna ni Mayweather ang porsi-yento sa pay-per-view ni Pacman kontra sa sariling porsyento.
“I got people that used to work in Pacquiao camp that now works for my camp. So I know the truth about his checks and I know the truth about other things that I’m not going to speak on,” pinunto niya.
Gayon pa man, idiniin ni Mayweather na handa siyang itaya ang kanyang walang bahid na record para patunayang siya ang tunay na ‘pound-for-pound’ king ng mundo.
“I think the time is right, the time is now,” kanyang konklusyon ukol sa inaasahang mega-fight nila ni Pacquiao.