Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, tinanggal daw ni Allan dahil daw sa pagkalulong sa casino

ni Pilar Mateo

010615 allan k kim idol

ALLAN’S K (for Kim!)

Una, marami ang nagtaka sa mga pahaging ni Kim Idol sa kanyang Facebook account tungkol sa isang beterano na sa mga comedy bar at host din nito noon na mentor pa ng mga bagong henerasyon na ng mga sing-along host. Give away na give away naman sa mga clue niya sa FB ang sinasabing mga sama ng loob ni Kim Idol dahil doon lang naman s’ya sa bar ni AK (Allan K) nagse-set.

Hanggang nawala na ang laman ng kanyang account sa FB.

Kinumusta ko at naglitanya na ng mga hinaing niya sa buhay. Tinanggal nga raw siya ni AK sa mga set niya sa mga bar nito. Kaya nga purdoy na purdoy daw siya ngayon. Walang trabaho, walang pera.

Sa kuwento ni Kim, naospital daw siya dahil sa hypertension kung kaya ilang gabi rin siyang hindi nakapasok sa mga set niya sa Zirkoh at maging sa Klownz. Noong medyo gumaling na siya at papasok na, nalaman na lang daw niya na tinanggal na pala siya.

Sa isang banda naman, sinabi ko rin kay Kim na may mga kumalat na ring kuwentong naging pabaya na siya talaga sa trabaho niya. Which he vehemently denied. kasama na nga roon ang pagsasabi ng ibang lulong na naman umano kasi siya sa paborito niyang pasttime na paglalagi sa mga casino.

Roon laging bumabagsak ang kuwento.

Talentadong as in kung talent din naman ang pag-uusapan eh, hindi naman alaga mapag-iiwanan si Kim. At nakita ko naman nang ibigay din ni AK, pati na ng may-ari ng The Libraryna si Andrew de Real ang suporta nila kay Kim Idol.

There are three sides to a story. We have yet to hear AK’s side regarding this. Ayaw na ayaw pa naman niyon talaga ng mga host na pabaya sa trabaho nila at ginagamit ito sa kung ano-ano pang karaketan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …