INILUNSAD na ang crowdfunding project upang mailabas sa merkado ang world’s first personal robot.
Sinabi ng Santa Monica-based company RoboDynamics, si Luna ang unang human size personal robot na idinesenyo para sa pang-araw-araw na praktikal na paggamit.
Ang 5ft robot ay makagagawa ng mga simpleng gawain katulad ng pagpasyal sa aso, pagsilbi ng inomin, habang ang apps “will make Luna endlessly useful”. Ang layunin ay makita ang nasabing robot sa bawat tahanan pagsapit ng taon 2021
Naniniwala ang kompanya na si Luna ang magre-revolutionise sa robotics, katulad ng PC sa home computing, habang ang iPhone ang nag-revolutionised sa mobile electronics
Ang kanilang ‘creation’ ay unang lumabas sa mga balita noong 2011 at sa kasalukuyan ay naglunsad na ang developers ng Kickstarter campaign para sa kailangang £320,000 upang ito ay mailabas na sa merkado.
Sinabi ni Robodynamics founder Fred Nikgohar: “Since our founding 11 years ago our mission is to bring robots to the masses.
“We believe that robots and humans can live and work in harmony together. That’s why we made Luna.”
Ang ‘early adopters’ ay makukuha ang robot sa halagang £640, imbes na sa inaasahang £960 price tag, na itinakda sa December 2015 shipping date. (ORANGE QUIRKY NEWS)