Pati doorman ay naging alisto sa pagbubukas sa kanya ng pintong salamin sa entrada ng establisimyento. Dahil nga napakagalante niya sa pagbibigay ng tip. Kaya naman nang muli si-yang magawi roon sa ikalawang pagkakataon ay sinaluduhan pa siya ng doorman. Todo-ngiti sa pagbubukas sa kanya ng pintong salamin. At “Sir Leo” ang tawag sa kanya sa magalang na pagbati. Mababasa kasi ang “LEO 888” sa es-pesyal na plaka ng kanyang kotse.
Pero nang araw na iyon ay galing nga si Leo sa pakikipaglaro ng tennis sa isang katransaksiyon sa negosyo. Wala siyang suot na anuo mang burloloy sa katawan noon. Naka-cotton V-neck t-shirt siya at naka-tennis shoes lang. Pero dahil may kaliitan siya at maitim pang lalaki ay mas nagmukha siyang pulot boy kaysa isang tennis player.
Pagpasok ni Leo sa entrance ng hotel-restaurant ay wala sa mga labi ng doorman ang dating tamis ng pagngiti nito sa kanya. Ganoong ngiti rin, isang awtomatikong pagngiti, ang nakita niya sa doorman sa paglabas niya roon. Doon niya inabangan ang pagparada ng kotseng susundo sa kanya. At pamaya-maya nga lang ay dumating na ang kanyang sundo. Mabilis na umibis sa minamanehong sasakyan ang kanyang driver upang kunin ang mga supot ng mga pagkain na ipasasalubong niya sa pamil-ya.
Laking gulat niya nang mangislap ang mga mata ng doorman na pagkatamis-tamis ang pagkakangiti sa kanyang driver na magalang na binati nito ng “Good afternoon, Sir Leo.” Pamilyar sa doorman ang mamahalin niyang kotse pero siya mismo ay hindi nito kilala.
Hay, ang buhay nga naman… (wakas)
Ni REY ATALIA