Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, wala pa ring preno ang bunganga

ni Alex Brosas
112414 jed madela kris aquino

ABA, editor na pala si Kris Aquino ngayon.

Kasi naman, sinabihan niya si Jed Madela na ipabasa muna sa kanya ang kanyang messages saTwitter bago niya ito i-post para maiwasan ang kontrobersiya.

Ito kasi si Jed ay walang pagpipigil sa kanyang mga post, tamaan ang tamaan. Ang kaso, hindi naman niya mapanindigan ang kanyang mga post. Tulad na lang ng kanyang controversial tweets na patungkol sa staff ng ASAP, bigla siyang kumambiyo at sinabing hindi ang staff ngASAP ang kanyang tinutukoy kundi ang mga tao sa isang probinsiya na kanyang pinuntahan. Naimbiyerna sa kanya ang mga tao sa province na kanyang pinuntahan at muntik pa siyang i-declare na persona non grata.

Ang isa pang nakakaloka kay Kris, ibinuking nito ang bahay na ipinagagawa ni Jed para sa kanyang parents. Secret pala ito pero tactless that she is, ibinulgar ito ni Kris sa show nila niBoy Abunda.

Kaloka talaga itong si Kris, lahat na lang ay kanyang idinadaldal.

Tulad na lang ng pagbisita ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Aba, buong ningning na ibrinoadcast ni Kris na dumalaw sa balur niya si Mayor Bistek. Ayun, pinag-usapan ang dapat sana ay sikretong pagbisita ni Mayor Bistek sa TV host.

For 2015, ang dapat na maging New Year’s Resolution ni Kris ay ang pagpigil sa walang wawang pagsasalita at pambubuking sa mga tao.

Kris, are you listening? Ay naku, nakalimutan naming wala pa lang pinakikinggan itong si Kris. Not even her family ay kaya niyang pakinggan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …