ni Pilar Mateo
UNCONDITIONAL love!
‘YUN ang klase ng pagmamahal na ibinalik ni Daisy sa kanyang tumayong mga magulang na sina Ed at Erlie na umampon sa kanya at nagpalaki.
Kaya naman ang balik niya ng pagmamahal sa mga magulang ay hindi matatawaran. Hanggang siya na ang maging breadwinner para suportahan ang mga ito.
Pero may mga biro ang buhay na hindi rin matanto. Dahil dinapuan ng breast cancer ang ina at may heart ailment naman ang ama!
Ito ang istorya sa opening salvo ng MMK (Maalaala Mo Kaya) noong Sabado, Enero 3, 2015 sa ABS-CBN.
Ginampanan ni Kathryn Bernardo ang katauhan ni Daisy at sina Smokey Manaloto atAssunta de Rossi naman ang gumanap bilang mga magulang niya. Idinirehe ito ni Mae Cruz Alviar. At itinampok din sina Eslove Briones, Kasumi Porquez, at Dionne Monsanto. Mula sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.
As that day commemorates the feast of the Most Holy Name of Jesus, the day after naman is the Epiphany of our Lord. Isang makabuluhang istorya tungkol sa pamilya ang iniahatid ng award-winning drama anthology.
Sumasalamin ang mga eksena sa kuwento ng ating mga pamilya!