Monday , January 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katagay patay sa paramihan ng manok na ninakaw

112514 crime sceneKALIBO, AKLAN — Patay ang isang 32-anyos lalaki nang tadtarin ng saksak ng isa sa kanyang mga nakainoman makaraan magpasiklaban sa dami ng ninakaw na manok sa Brgy. Fulgencio Norte, Balete, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Milo Concepcion, isang magsasaka at residente ng Brgy. Calizo ng nasabing bayan.

Habang boluntaryong sumuko sa Balete PNP station ang suspek nang makonsensiya sa nagawang krimen na kinilalang si Jun dela Cruz, 20, isang construction worker at residente ng naturang barangay.

Base sa report, pagkatapos mag-inoman noong Enero 1 ay niyaya ng suspek ang biktima na umuwi na.

Habang naglalakad ay naikuwento ng suspek na tinangka nilang pasukin ang bakod ng kanilang kapitbahay, ngunit hindi sila nagtagumpay dahil maraming aso.

Ngunit, bilang bumida ang biktima at sinabing apat na manok ang kanilang nakuha sa naturang bahay kahit na maraming aso.

Inamin ng suspek na patibong lamang niya ang kwento upang mapa-amin ang biktima na siya ang nasa likod sa mga nangyayaring nakawan ng manok sa kanilang lugar.

Dahil sa kalasingan, bigla niyang inakbayan ang biktima at sinaksak sa leeg.

Nang bumagsak sa lupa ay pinagsasaksak pa niya sa likod at pinatihaya saka tinadtad uli ng saksak sa katawan ang biktima.

Ilang beses din niyang pinalo ng kahoy nang ilang beses sa ulo ang biktima. Nang masigurong patay na, ibinaon niya ang bangkay sa hukay.

Nang makonsensiya ay sumuko ang suspek sa mga pulis kamakalawa ng hapon at agad narekober ang bangkay ng biktima sa pinaglibingan sa kanya sa madamong lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …