Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GRR TNT nagbalik-tanaw sa 2014

010515 grr

NAGBALIK-TANAW ang host-producer na si Mader Ricky Reyes sa mga nausong kasuotan, ayos ng buhok, at make-up noong taong 2014. Ipinakilala niya ang mga Pinoy na nakaimbento ng mga gadget na para sa pagpapabata, pagpapababa ng timbang, at pampakinis ng balat. Lahat ng ito’y napanood sa Gandang Ricky Reyes Todo Na ‘To sa GMA News TV.

Muling ipinakita ng programa ang mga lugar na puwedeng bakasyunan dahil sa tahimik na kapaligiran, sariwang hanginm at masasarap at masusustansiyang pagkaing nakapagpapalusog.

Binigyang-karangalan din ng GRR TNT ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa tulad ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa larangan ng boksing, gold medalist sa Archery na si Luis Miguel Moreno, ang mga miyembro ng Gilas sa basketball at tropa ngAskals sa football.

Itinampok din ang tsikahan ni Mader sa mga artistang nag-trending sa social media dahil sa kanilang mga programa tulad ng Rhodora X, My Husband’s Lover, Nino, Ang Dalawang Mrs. Real, at iba pa.

Mula kay Mader RR, GMA News TV at prodyuser ng programa na ScriptoVision—Manigong Bagong Taon Sa Inyong Lahat. Magkita-kita pa rin tayo para sa marami pang kaalaman sa kalusugan, kagandahan, at kabuhayan na layuning ihatid ng award-winning lifestyle show. Sabi nga, Mader know’s best.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …