ni Ronnie Carrasco III
FOR sure, hindi aware ang newlyweds na si Dingdong Dantes at ang kanyang misis sa reklamo ng kanilang mga bisita who trooped to the reception venue after their December 30 wedding, lalo na ang umano’y bad service ng mga waiter.
A source revealed to us na ang supposed to be a specialty ng bride na sinigang na hipon—na dapat sana’y steaming hot na isinerve sa mesa—ay malamig na.
Idagdag pa raw ang small portions ng ibang putahe, na kung namimilipit na raw ang tiyan sa gutom ng dumalong guest ay hindi maiibsan ang kanyang kagutuman sa mga nakalatag na pagkain.
Isa si IC Mendoza who attended the reception, pero paano ipaliliwanag ang litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account while enjoying his meal at a popular fast food chain?
Still our source told us na nagmamadali na raw siyang umalis sa venue para humanap ng makakainang bubusog sa kanyang kumakalam-kalam na sikmura.
Again, sa rami ng mga inaasikaso ng bagong kasal, tiyak na hindi sila aware sa pagkukulang na ‘yon ng pamunuan ng venue. Knowing the couple, hindi sila papayag na mabahiran ng ‘di kaaya-ayang imahe ang pinakamahalagang okasyon pa man din sa kanilang buhay.
If true, the management of the venue might suffer in its future reservations taking the couple’s wedding as an unfortunate precedent.