ni Ed de Leon
FEELING blue pa rin ang megastar na si Sharon Cuneta, na noon mismong araw ng Pasko ay nag-post ng isang napakahabang message sa kanyang social networking account, at sinasabing hindi pa nga siya nakapaghahanda ng mga regalo for Christmas dahil talagang malungkot pa siya dahil sa sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay.
Aba mahirap nga namang magsaya ka talaga kung kalungkutan ang nadarama mo. Palagay namin, magtatagal bago makabawi talaga si Sharon. Mahirap naman talaga ang nangyari kasi siya ang nag-alaga sa kanyang ina bago iyon pumanaw, at kahit na noon sinasabi nga niyang kung kailan sila mas naging close, dahil kilala naman iyang si mega na “daddy’s girl” at saka pa nangyari ang ganoon.
Pero lilipas din naman lahat ng mga damdaming iyan.