Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya pinatay ni bunso

112514 deadSAMPALOC, Quezon – Pinagtataga hanggang mapatay ng bunsong kapatid ang kanyang kuya makaraan magtalo sa ‘di malamang dahilan sa Brgy. Ilayang Owain ng bayang ito kamakalawa.

Sa ipinadalang report ng Sampaloc PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si German Gagan Flores, 48, pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.

Habang agad naaresto ng mga pulis ang suspek na si William Gagan Flores Jr., 42, residente rin sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 4:30 a.m., habang armado ng bolo ay galit na pinuntahan ng suspek ang bahay ng nakatatandang kapatid.

Nang madatnang natutulog ang biktima ay agad siyang pinagtataga ng suspek hanggang malagutan ng hininga at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Ngunit naaresto ang suspek sa follow-up operation ng mga awtoridad.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …