KATULAD ng lugar para sa mga bagay sa inyong tahanan, napakahalaga ring Feng Shui ang lugar para sa electronic components. Dahil ang mga ito ay nagpapalabas ng enerhiya na hindi palaging positibo, kailangan mong ikonsidera ang lugar kung saan ang mga ito dapat nakapwesto.
Huwag ilalagay sa bedroom. Ang isang kwarto na hindi nararapat para sa electronics ay ang bedroom. Ang master bedroom ay dapat nakare-relax, positibong sankwaryo para sa iyo at sa iyong kapareha. Ang lumalabas na enerhiya mula sa electronic devices ay maaaring makaistorbo sa inyong pagtulog. Partikular na rito ang computer equipment.
Ang bedroom ay hindi dapat maging lugar ng trabaho. Batid mong kapag may computer sa kwarto, maaari kang gumawa ng last-minute work project. Ilayo ang tuksong ito at itigil ang unhealthy pattern sa pamamagitan ng paglayo sa computer o laptop at ilipat sa ibang lugar ng bahay.
Mainam ang electronics gadgets sa family room. Nanonood ang pamilya ng TV, nakikinig ng music at gumagamit ng gaming system sa kwartong ito. Ang electronics sa eryang ito ay maaaring magdulot ng positibong chi dahil ang mga tao sa lugar na ito ay maaaring mag-enjoy nang nag-iisa o kasama ng mga miyembro ng pamilya.
Upang mapagbuti pa ang chi:
Tandaang ang lugar na ito ay dapat mainam sa tahimik na kwentuhan at bonding moments.
Makatutulong din kung ilalagay ang items sa storage units o sa likod ng cabinet doors kung hindi ginagamit.
Kung posible, ang electronic components ay ilagay sa maluwag na lugar.
Ang sala-salabid na kawad ay bad Feng Shui – at safety hazard, lalo na sa mga bata o alagang hayop. Ayusin ang mga kable at gumamit ng clean wire management system para mapaglagyan ng mga ito.
ni Lady Choi