Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, tuwang-tuwa sa magandang feedback ng English Only Please

ni Roldan Castro

120814 jen derek

SOBRANG pagod na pagod ang pakiramdam ni Derek Ramsay ngayong Kapaskuhan dahil naging abala siya sa promo ng filmfest entry nila ni Jennylyn Mercado na English Only Please ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Pero tuwang-tuwa naman ang hunk actor dahil maganda ang feedback ng movie nila.

Puwedeng-puwede rin pala siya sa romance-comedy film. Lutang na lutang din ang chemistry nila ni Jen. Pati acting niya ay malaki ang improvement.

“I guess ‘yung energy ng movie that the movie is creating is what keeps me going,” sambit pa niya.

Kakaiba, nakaaaliw ang English Only, Please dahil para ito sa nagmamahal at tanga sa pag-ibig!

Anyway, sirang-sira na ang plano niya na magpunta sa Palawan ngayong holidays dahil wala ng flights.

Iniisip niya ngayon kung saan sila pupunta ng family niya dahil puno na sa Palawan.

Naghahanap siya ng magandang lugar kung saan sila pupunta.

Hindi raw niya kapiling ang anak niya dahil nasa Dubai.

”Sayang. Hindi siya puwedeng mag-Christmas with me but I’m sure in the future, he’ll get to spend Christmas with me. Ahhh, yeah! It’s nice to…Finally, the truth came out and all that negativity that is behind me and I can move forward and be a father with my son,” bulalas pa ni Derek.

Talbog!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …