Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7-anyos anak ng GRO bugbog-sarado sa kaaway ng ina

110414 child abuseNAGA CITY- Bugbug sarado ang isang bata makaraan saktan ng tatlo katao na nakaaway ng kanyang ina sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Joy Andrade, negosyante; Michael Bacolod Dela Cruz, 39, taho vendor, at Bernardo Palaganas, 46-anyos.

Nabatid na dakong 9 p.m. noong Disyembre 24 nang iwan muna ang batang babae ng kanyang ina sa isang videoke bar na kanyang pinagtatrabahuhan bilang isang GRO.

Ngunit nang makabalik ang ina ay nagulat nang matagpuan duguan ang bata sa loob ng banyo.

Sa salaysay ng bata, hinila ng suspek na si Mary Joy ang kanyang buhok habang si Michael ay piniringan siya sa mata at sinuntok ang kanyang tiyan.

Hindi pa nakuntento, binusalan ni Bernardo ang bibig ng biktima gamit ang isang tuwalya at brown tape.

Binantaan din nila ang biktima na papatayin ang ina ng bata kapag nagsumbong.

Una rito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ina ng biktima at ang mga suspek.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …