NAGDADALAMHATI ngayon si Vice Ganda dahil namatay na ang pinakamamahal niyang lolo na si G. Gonzalo Dacumos noong araw mismo ng Pasko.
Kaya kahit nangunguna sa takilya ang pelikula niyang The Amazing Praybeyt Benjamin sa pagbubukas ng 2014 Metro Manila Film Festival ay hindi niya magawang ngumiti, pero nagpapasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya.
Kamakailan ay nabanggit ni Vice sa The Buzz na may malubhang karamdaman ang kanyang lolo at kasalukuyang nasa hospital.
Kasalukuyang nakaburol ang lolo Gonzalo ni Vice sa The Ascencion Chapel, Araneta Avenue malapit sa Funeraria Nacional.
ni Reggee Bonoan