ni Ronnie Carrasco III
WALA ni katiting na panghihinayang ang mga nakatrabaho ni Isabelle Daza sa GMA sa paglipat nito sa ABS-CBN.
During her fledgling years daw sa GMA, aminado ang dating co-workers ni Isabelle na hirap daw ito lalo’t pagdating sa pagde-deliver ng spiels. Binasa na nga raw niya ng paulit-ulit ang sasabihin bago sumalang sa camera, sablay pa rin kapag actual take na.
Buti na lang daw, taped ang programang ‘yon.
Yet another TV researcher is haapy with Isabelle’s transfer. ”Paano naman kasi, sa tuwing kokontakin namin siya para mag-guest, lagi siyang hindi puwede. As if naman, napaka-busy niya, eh, sa ‘Eat Bulaga’ lang naman siya nagho-host!”
Understandable naman ang paglundag ni Isabelle ng estasyon. Siyempre, where the mother (Gloria Diaz) is, the daughter goes.