ni Roldan Castro
MARAMI ang pumupuri sa mansion ni Coco Martin na nai-feature sa Kris TV. Sosyal ang pakakaayos ng mga gamit sa bahay mula sala, kuwarto etc. Parang resort din ang view sa swimming pool at marami siyang sasakyan.
Ikinukompara ito sa malaking bahay ng isang sikat na young actor na kailangan ng interior designer. Sa laki kasi ng bahay, baduy naman ang pagkakaayos nang mapanood sa show ni Kris. Mukhang ina lang yata ng teen actor ang nag-ayos, huh!