Monday , December 23 2024

UBAS at HULMA, isusulong ni Roxas sa 2015

091114 mar roxasUpang mapalakas ang kampanya para sa transparency, accountability at mabuting pamamahala  sa lokal na antas, palalakasin ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas ang tambalan ng mga grupong pangrelihiyon at local government units (LGUs) sa papasok na taong 2015.

“Kasama ang iba pang programa kontra-kahirapan na programa, nawa’y maipagpatuloy at mapagtibay ng UBAS (Ugnayan ng Barangay at Simbahan) at HULMA (Huntahan ng mga Ulama at Liga para sa Mamamayan) ang mga repormang sinimulan natin upang maging handa tayong lahat para sa mga hamon ng hinaharap,” sabi ni Roxas sa pinakamalaking aktibidades ng UBAS kamakailan sa Palayan City, Nueva Ecija.

Sa tulong ng UBAS at HULMA, nahihikayat   ng   gobyerno sa pamamagitan ng DILG ang pakikilahok ng mga komunidad at iba’t ibang grupong pangrelihiyon na bantayan o i-watchdogs sa pagmo-monitor ng mga proyekto ng gobyerno.

“Naniniwala po tayo sa kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan at ng simbahan upang maging kabahagi natin sa Tuwid na Daan, ani Roxas.

Sa ngayon, ipinatutupad ang UBAS at HULMA sa 15 probinsiya at 10 lungsod sa 10 rehiyon sa pakikipagtulungan ng mga grupong Kristiyano at Muslim.

“May potensiyal ang mga programang ito na pagkaisahin ang mga mamamayan anuman ang kanilang pagkakaiba sa relihiyon at paniniwala,” dagdag ni Roxas. “Lahat tayo ay naniniwala para sa kapakanan ng ating mga mamamayan kaya dapat tayong magtulungan upang magkaroon ng kapayapaan dahil kapag natapos ang mga hidwaan ay bibilis ang pag-unlad ng ating bansa.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *