NAGA CITY – Malungkot ang magiging pagsalubong ng isang pamilya sa papalapit na Bagong Taon sa Daet, Camarines Norte.
Ito’y makaraan matagpuang patay sa bakuran ng isang elementary school ang biktimang si Joseph Alcantara, 37-anyos.
Nabatid na isasara na sana ng security guard ng nasabing paaralan na si Jojo Seva ang mga ilaw nang mapansin niya ang nakabulagtang biktima.
Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa asawa ni Alcantara, nakipag-inoman ang kanyang mister sa bahay ng isang kakilala at pinaniniwalaang lasing na lasing ang biktima nang umuwi.
Dumaan ang biktima sa ibabaw ng bubong ng San Luis Elementary School na katabi lamang ng kanilang bahay ngunit posibleng nadulas kaya nahulog at tumama sa semento.