POSIBLENG ituloy sa Enero ang peace talks ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).
Inihayag ito ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison sa gitna ng pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP nitong Biyernes.
Ayon kay Sison, mula pa noong Setyembre, may pag-uusap na ang special team ng gobyerno at NDF para ihanda ang agenda sa muling negosasyon.
Dagdag ni Sison, tinitiyak din na may pagtupad sa mga obligasyon ng gobyerno sa ilalim ng Joint Agreement On Safety Immunity Guarantees at Comprehensive Agreement On Respect For Human Rights and International Humanitarian Law.
Dapat din aniyangg palayain ang NDF consultants at political prisoners.
NDF Talks Resumptions ‘di pa kompirmado
NILINAW ni government peace panel chair Alexander Padilla, wala pang makukumpirma sa sinasabing pagbabalik ng formal peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni Padilla, walang pang maaaring ihayag kaugnay sa petsa o lokasyon ng peace talks sa NDF hangga’t hindi pa napagtitibay ang negosasyon.
Habang ayon kay Peace Adviser Ging Deles, may ilang kaibigan ng o tagasuporta ng peace process ang gumagawa ng paraan para sa pagpapatuloy ng peace process sa lalong madaling panahon.
Umaasa si Deles na dahil sa Pasko, seryoso si Sison sa kanyang pahayag at purisigidong makamit ang kapayapaan.