MALUNGKOT ang Pasko ng isang pamilya sa Malolos City nang magbigti ang isang padre de pamilya kamakalawa ng madaling-araw makaraan magtalo ang mag-asawa kung ano ang ihahanda sa Pasko.
Isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos City ang biktimang si Mauro dela Cruz, 45, government employee, residente ng Brgy. San Vicente sa lungsod na ito, ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng isang mainitang pagtatalo ang mag-asawa kaugnay sa kanilang ihahanda sa araw ng Pasko.
Upang hindi na lumaki ang gulo ipinasya ni misis na umalis muna upang magpalamig ng ulo.
Ngunit dakong madaling-araw nang bumalik ang ginang sa kanilang bahay ay nadatnang nakabigti na ang biktima.
Daisy Medina