NAG-IWAN nang tambak na mga basura ang mga namasyal sa ilang parke sa Metro Manila sa pagdiriwang ng Pasko.
Sa pag-iikot sa Quezon City Memorial Circle, tumambad ang sandamakmak na mga basura na iniwan ng mga pamilyang nagdaos ng Pasko roon.
Ito’y sa kabila ng nakapaskil na mga karatulang “bawal magkalat” na may parusang multa sa mahuhuli.
Ginawa ring basurahan ang fountain dito.
Pareho ang sitwasyon sa Luneta Park ba nag-uumapaw rin ang mga basura.
Sanhi ito nang patuloy na pagdagsa ng mga namamasyal at hindi tamang pagtapon ng kanilang mga pinagkainan at basura mula sa mga balot ng regalo.
Jaja Garcia