Monday , December 23 2024

Lolo tulog sa suntok ni ‘Pacman’

122714 punchTULOG  ang isang 62-anyos lolo makaraan suntukin ng isang lalaki habang papunta sa isang sulok upang umihi kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center at hindi pa rin nagigising ang biktimang si Nicanor Salvacion, ice vendor, ng 10 Taganahan St., Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City, sanhi ng pagkabagok ng ulo.

Habang pinaghahanap ang suspek na isang alyas Jaypee, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng Malabon Market sa F. Sevilla Boulevard, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Nakikipag-inoman ang biktima sa kanyang mga kasamahan sa loob ng palengke ngunit tumayo at nagpunta sa isang sulok upang umihi.

Sa hindi nabatid na dahilan, bigla na lamang siyang sinuntok ng suspek kaya bumagsak siya at tumama ang ulo sa semento.

Pagkaraan ay hindi na nagising ang biktima kaya mabilis na isinugod sa pagamutan ng kanyang mga kainoman.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pagsuntok sa biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *