SA ginanap na presscon ng bagong TV project nina Paulo Avelino at KC Concepcion na Give Love on Christmas Presents Exchange Gift na mapapanood sa Enero 5 (Lunes), natanong ang aktres kung ano na ang latest sa mama Sharon Cuneta niya.
“Pumapayat, sume-sexy at gumaganda pa rin,” napangiting sambit ng aktres.
Sinundan ng tanong kung totoong tatakbo bilang Mayor ng Pasay City ang kanyang ina na ikinagulat ni KC dahil hindi naman daw nila ito napag-uusapan sa pamilya.
Anang panganay ni Sharon, “si Mama? Mayor? Stress siya sa ganoon. Parang wala pa kaming pinag-uusapan about that. Siguro if ever parang magiging malaking diskusyon ‘yon sa family. Thank you for the information.”
Matagal ng nabalita sa grupo ng businessmen ang planong pagkandidato ni Sharon bilang Mayor ng Pasay City at marami raw ang susuporta sa kanya.
Pero tulad nga ng pahayang ni KC ay wala silang alam o hindi napag-usapan sa pamilya.
Samantala, ang dalaga ang naging abala sa paghahanda sa Noche Buena dahil, “si mama po kasi from the beginning, plano niyang mag-abroad, kaso it’s our first year without Mita (Mommy Elaine Cuneta) so, ayaw niyang ma-remember, so we decided na mag-stay nalang para marami kaming kasama at kung gusto ba naming pumunta kina tita Helen (Gamboa-Sotto) sa White Plains or sa Pangilinans, ganyan. At least marami kaming kasama, hindi masyadong malungkot kung sakaling maisip namin ‘yung lola ko.
“So, we’ll be here for Christmas, sa New Year, as in wala pang plan talaga, pero for now, Christmas baka tulungan ko na lang si mama maghanda kasi wala talaga siyang pina-plan for Christmas hanggang ngayon, so isa ‘yun sa mga iniisip kong gawin din na lang, ako na lang mag-asikaso.”
Iisa ang napansin ng entertainment press na dumalo sa presccon ng Give Love on Christmas na may titulong Exchange Gift na super-in love sina KC at Paulo na ayaw lang aminin pa.
At dahil mukhang seryoso naman sila sa isa’t isa kaya natanong kung posibleng matulad sila sa magulang niyang sina Gabby Concepcion at Sharon, “siguro po, timing is everything talaga, at saka kung gugustuhin man ni God or ano, ‘di ba, wala naman tayong kontrol sa mangyayari.
“He’s (Paulo) at the age na marami pa siyang puwedeng gawin. Ako rin po. Right now, we’re happy na may ginawa kami together, na masaya kami and happiness kasi exciting ‘yung scenes, tapos parang comedy, light.
“And parang first time rin namin to involved each other sa isang professional ano na naman kasi for four years since ‘MMK (Maalaala Mo Kaya)’, puro kami personal ano.
“So, kung magtutuloy-tuloy na maganda ‘yung mayroon kami, kung friendship ba ‘yun or ‘yung connection namin, kung magtutuloy-tuloy na magkaintindihan, na suportahan namin ang isa’t isa na maging better people, na mag-improve, siyempre, ba’t n’yo naman ipapasok ang isang tao sa buhay ninyo kung ikasasama mo naman ‘yun. And so far, parang okay naman. As long as magtuloy-tuloy po ‘yun, we don’t know,” mahabang sabi ni Kristina Cassandra (KC).
Halos ganito rin ang sagot ni Paulo, “tulad din po ng sinabi ni KC, hindi rin natin alam kung anong mangyayari sa future natin so magpo-focus po muna kami kung anong mayroon kami ngayon, mga blessing na dumarating like itong project na ito.”
Sa kabilang banda, naging okay ba ang 2014 kay KC maski na maraming pagsubok na dumaan sa buhay niya at sa pamilya.
“Sobrang challenging po sa akin ang 2014 lalo na sa health.
“Ang pinaka-challenging ko is health kasi nag-start ‘yung year ko nagka-pneumonia, December 31, birthday ng lola ko noong nagka-pneumonia ako last year, and then nag-States ako ng three (3) months which was maganda ang experience, kaya lang na polar vortex naman ako roon na sobrang lamig, so umuwi ako, then blessing I did ‘Ikaw Lamang’, blessing din na nanalo ako ng award for ‘Ikaw Lamang’, nanalo ako ng award for ‘Boy Golden’ (pelikula kasama si Governor ER Ejercito), napakaganda ng return nang magkasakit ako, may blessing na dumating.
“Then nagka-dengue naman ako for one month na sa set (‘Ikaw Lamang’) nga po ako nakagat, one month akong down kasi mahirap po pala ang dengue na hinigop ang lakas and then after niyon, may nagyari sa family, ‘yung lola ko po (Mommy Elaine Cuneta), parang downer na naman, tapos biglang nagka-project naman for Christmas na bigay ng Dreamscape, so and ganda po ng feedback, ang ganda ng sabi ng mga taong nakapanood, so napaka-eventful ng 2014 ko talaga, so extreme na high and extreme na low.
“So, ano jampacked, very métier,” pahayag ng dalaga.
Extended naman ang Pasko sa ABS-CBN dahil mapapanood ang Give Love on Christmas Presents Exchange Gift sa Enero 5 (Lunes) na bukod kina KC at Paulo ay kasama rin sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Miguel Vergara, Cheska Iñigo, Lauren Burgos, at Jim Paredes mula sa direksiyon ni Manny Palo.
ni Reggee Bonoan