NAKABALIK na sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Bandang 2 p.m. nagtapos ang Christmas furlough ni Arroyo sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.
Martes, Disyembre 23 nang makalabas ang Pampanga solon sa pagamutan, sa bisa ng Sandiganbayan resolution.
Bagama’t aminado ang kampo ni Arroyo na bitin ang furlough, masaya na rin sila sa pansamantalang pag-uwi ng dating presidente.
Ilan sa mga dumalaw sa mambabatas ay ang mga dati niyang tauhan, grupo ng mga madre at ang kanyang mga anak at apo.
Si CGMA ay naka-hospital arrest dahil sa kasong plunder dahil sa sinasabing paggamit ng PCSO fund para sa political purpose noong nasa pwesto pa sa Malacanang, bagay na itinanggi ng Arroyo camp.