Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot nalasog sa flyover

112514 deadNAGULUNGAN at nasagasaan ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan ng isang hindi nakilalang babae sa isang flyover sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Halos hindi na makilala ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima dahil nagkahiwalay-hiwalay ang katawan at bukod sa nasagasaan ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan, posibleng nagulungan din siya ng isang 10 wheeler truck dahil sa ebidensiyang nakita sa bangkay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Edmar Echate, ng Traffic Accident Investigation Unit (TAIU) ng Pasay City Police, dakong 4 a.m. nang matagpuan ang lasog-lasog na katawan ng biktima sa South bound lane ng flyover ng Roxas Boulevard ng siyudad.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa basurerong si Crispin Casero, 30, dakong 3 a.m. habang siya ay nangangalakal sa naturang lugar, narinig niya ang kalabog na parang may nabangga ang isang sasakyan.

Nakarating agad ang mga awtoridad sa insidente at nang kanilang puntahan ay natagpuan nila ang lasog-lasog na katawan ng biktima.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …