ISINULONG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang imbestigasyon kaugnay ng Commission on Audit (CoA) report na umaabot sa P2.7 billion ang kwestyonableng pork barrel funds allocations sa governors at mayors noong taon 2013.
Ayon sa ulat ng COA, maraming LGUs ang sumobra sa pagamit ng pork barrel funds taliwas limitasyon na isinasaad sa National Budget Circular No. 537, at hindi ito naibalik sa pamahaan kahit idineklarang unconstutional ng Korte Suprema.
Kabilang sa LGUs na binanggit sa COA report ang Metro Manila, Western Visayas, Bicol, Calabarzon, Cagayan Valley, Central Visayas, at Ilocos.
Iginiit ni Santiago, dapat agad ibalik sa National Treasury ang natitirang pork barrel allocations kasunod ng ruling ng kataas-taasang hukuman.
Cynthia Martin