Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ama sugatan sa sunog dahil sa paputok

121613 no paputokLAOAG CITY – Nasugatan ang mag-ama makaraan aksidenteng pumutok ang nakaimbak na mga paputok sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. San Pedro, Bacarra, Ilocos Norte kamakalawa.

Bukod sa pagkasugat ng mag-amang si Noli Galang, negosyante mula sa Pampanga, at kanyang anak na si Nolimar ay nasunog ang ilang bahagi ng bahay at ilan ding appliances tulad ng television set, computer set, radyo at iba pang kagamitan.

Ayon kay Noli Galang, habang ginagamit ng kanyang anak na si Nolimar ang mosquito bug zapper nang bigla na lamang mag-spark kasunod ang malakas na pagputok mula sa pinag-imbakan ng mga paputok.

Sinabi ni Galang, magmula nang maging negosyante siya ng paputok noon pang 1976 ay ngayon pa lamang siya nakaranas ng aksidente sa paputok.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay lumipad ang tatlong yero ng kanilang inuupahang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …