Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinse anyos pinilahan ng 3 bagets

111114 rape07NAGISING na masakit ang ari at iba pang bahagi ng katawan ng isang 15-anyos dalagita makaraan pilahan at gahasain ng tatlong binatilyong mga kaibigan nang malasing sa pakikipag-inoman kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.

Arestado ang isa sa tatlong suspek na itinago sa pangalang James, 17-anyos,  kasalukuyang nasa kustodiya ng lokal na Social Welfare Department (SWD) habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan na sina alyas Jan, 17, at  Al, 15, pawang out of school youth, at residente ng Kwatro, Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO2 Arlene Alvero, ng Women and Children Protection Desk ng Navotas Police, kamakalawa ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Jael, mga kaibigan niya ang tatlong mga suspek at kainoman hanggang madaling-araw ngunit siya ay nakatulog sa matinding kalasingan.

Nang magising ay wala na ang tatlong kainoman ngunit masakit ang kanyang ari at dibdib kaya hindi agad siya nakabangon.

Gayonman, pinilit niyang bumangon at pumunta sa bahay ng isa pa nilang kaibigan. Sa puntong ito, ipinagtapat ni Carl, 17, na nasaksihan niyang ginagahasa ng tatlong suspek ang biktima ngunit wala siyang nagawa dahil sa takot.

Nang makauwi sa kanilang bahay agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na nagresulta upang ipaaresto sa mga pulis ang mga suspek ngunit isa lamang ang inabutan habang nakatakas na ang dalawa pa.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …