DAVAO CITY – Kalaboso ang isang lalaki makaraan dakmain ang dibdib ng isang babae habang isinasagawa ang Misa de Gallo sa San Pedro Cathedral sa lungsod kahapon ng madaling-araw.
Habang isinagawa ang misa, maraming nagsisimba ang nasa labas ng simbahan dahil sa sobrang dami ng tao kabilang ang suspek na 24-anyos at kanyang mga kaibigan.
Nagkabiruan ang magbarkada at tinawag na bading ang hindi pinangalanang suspek.
Bunsod nito, napikon ang suspek, pinatunayan na siya ay lalaki sa pamamagitan ng paghipo sa dibdib ng isang babaeng nagsisimba.
Sumigaw ang babae na nakatawag ng pansin sa isang grupo ng kalalakihan na pinagtulungang bugbugin ang suspek.
Nakakulong na ang suspek sa San Pedro Police station sa lungsod.