Monday , December 23 2024

GMA pinayagan mag-Pasko sa bahay

022114 gmaMAIPAGDIRIWANG ni dating dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang Pasko sa kanilang bahay.

Ito’y makaraan pagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang hirit niyang holiday furlough.

Ngunit sa desisyon ng anti-graft court, maaari lamang makauwi sa bahay sa La Vista, Quezon City si Arroyo mula ngayong araw, Disyembre 23 hanggang 26, hindi hanggang Enero 3 na hiniling niya. Ibig sabihin, sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) pa rin sasalubungin ng dating pangulo ang Bagong Taon.

Dakong 10 a.m. ng Disyembre 23 nakatakdang ibiyahe si Arroyo patungo sa La Vista, at kailangang bumalik ng ospital, ng 2 p.m. ng Disyembre 26.

Inatasan ng korte ang Philippine National Police (PNP) na magbigay-seguridad sa dating pangulo, ngunit sasagutin ni Arroyo ang lahat ng gastos.

Kontrolado ng mga awtoridad ang paggamit niya ng communication at electronic devices at bawal siyang magpaunlak ng panayam sa media.

Naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong plunder kaugnay ng sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *