NAGHAIN na ng resignation letter si Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Kinompirma ni Lacson na naisumite na niya sa Malacañang ang kanyang pagbitiw sa pwesto at magiging epektibo Pebrero 10, 2015.
Nilinaw rin ni Lacson na wala siyang sama ng loob sa kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil nagawa na ng kanyang tanggapan ang mga tungkulin nito.
Kasabay nito, inirekomenda ni Lacson sa Malacañang na ibalik na sa pamamahala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang trabaho ng kanayang tanggapan.
Humingi si Lacson ng isang buwan sa kay Pangulong Aquino para sa ‘transition’ ng PARR sa NDRRMC.
Nilinaw ni Lacson na pansamantala lamang ang kanyang tanggapan para tumutok sa rehabilitasyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda kaya’t panahon na aniyang hawakan na ito ng NDRRMC.