NAYANIG sa magnitude 5.5 na lindol ang Eastern Samar dakong 8:25 a.m. kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa layong 79 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Hernani.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 10 kilometro.
Naramdaman ang pagyanig sa intensity I sa Tacloban City at Catbalogan City.
Habang walang inaasahang pinsala sa lindol ngunit ayon sa Phivolcs, posibleng magkaroon ng aftershocks.
Sa unang pagtala ng Phivolcs, magnitude 5.8 ang lindol.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com